!

Sunday, March 25, 2007

Yey bakasyon na! At feel ko na yung summer dahil sa init ng panahon! Naku sana wag ako mag-summer! Lord please wag. Kinakabahan kasi ako sa chem lec eh. Hay wala lang, gusto ko pa naman sana maging okay yung summer. Hehe nakita ko yung trailer ng pirates (hindi yung porn) at gusto ko na sya panoorin :) Nood tayo! Sana naman bumalik si gabo at pinagsusapan na namin last year na kami kami ulit yung manonood.

Retreat na pala ni Jay bukas at medyo tatlong araw ata kami di makakapas-usap dahil bawal ang phone nyaha :( Pagbalik nalang nya, haha kala mo sobrang tagal eh. Nagpapakabait na ako sa kanya at sobrang kulit ko kasi at ang immature minsan. Ewan basta masaya ako at swerte ako kay Jay yehey :)

Saturday, March 17, 2007

Aaaah gusto ko na maghibernate! Super kulang ako sa tulog at pahinga ngayong week na to. At medyo na prepredict ko na this coming week ganun ulit kasi finals na. Oh well… ilang days nalang naman yun :) Nya pinipimple na ko sa noo sa sobrang daming ginagawa. Ay basta magpapafacial ako after finals. First time ko pa lang sya gagawin kaya sana okay naman at di masira yung mukha ko.

Kanina ko lang naisip na medyo ang sama ko kahapon. Actually kahapon hindi naman talaga ako naguilty or ano kasi sobrang gusto ko talaga sabihin yung mga yun. Basta kanina ko lang naisip na sana pumili ako ng mas okay na term. Oh well. Nangyari na yun at wala na akong magagawa kaya dun ako medyo nabobother.

Basta kahapon kasi gusto ko sana maging okay yung araw namin. Ewan ko ba pero ang init ng ulo ko tas medyo nabadtrip. Tas yun basta ang sungit ko kahapon tas nasabihan ko sya tuloy na lagi nalang parang wala lang at walang kwenta pag ganitong araw. At ang malala pa dun dalawang beses ko sinabi na walang kwenta kasi inulit ko pa nung tinanong nya ulit ako. Hindi ako sobra sobra na naguilty na sinabi ko yun, kasi gusto ko naman talaga sya sabihin. Kanina ko lang naisip na ang panget nung term na walang kwenta pati pa yung pagkasabi ko nun. Basta ang panget ng feeling ko ngayon. Kasi kahit papano may kasalanan din ako dun. Nagsorry naman ako pero di ko sinabi na sorry sa sinabi ko, basta sorry lang. Tas sabi nya medyo napagod lang daw sya sa pagpapakamabait pag ganun ako. Hay wala lang, susubukan ko na talaga icontrol yung inis ko at maging mas careful sa mga sinasabi ko. Hmm ang panget ng feeling.

Wednesday, March 14, 2007

Wah ay ayoko na mag-lit! Ok sana yung lit kundi lang dahil sa prof. Super dami ng requirements na tipong pag-graduate ko major in literature na ko. Abay kung magbigay ng homework at project parang sya lang yung subject! Buti nalang last meeting na kanina at super tinatamad na ako pasukan ang subject nya.
Nya mag-one week na wala si gabo sa pinas, yuck bilang. Hindi naisip ko lang kasi last thursday kami huling nagkita, one day before sya umalis. Wala lang, na-miss ko ang high school at dun lang ulit ako nakatawa hanggang mapahiga sa floor at sumakit ang tiyan :) ok din kasi finally na-meet na nila si jay yehey. Sa summer, sa parents ko naman. Naku haha.
Wala lang, naisip ko lang kasi dati mewdyo ayoko kay dady pero ngayon naisip ko na mas okay pa sya, mas sobrang okay na okay kay mommy. Ay ewan, basta di kami magkasundo. Sana wag ako maging makulit at nagger na mommy paglaki ko. Haha.
Nakita ko lang kanina sa news basta may isang intern na nurse na nakapatay ng one year old kid kasi nagakamali sya. Basta directly nya ininject sa baby yung potassium chloride eh dapat sa dextrose. Tas yun wala lang, naisip ko lang kung bakit ayoko magmed at magdoctor kasi ayoko magkamili ng mga ganun.
9 days nalang vacation na yehey :)