!

Saturday, July 7, 2007

Manonood sana ako ng transformers ngayon pero yun pinili ko na naman maging tamad haha. Nakakatamad kasi yung panahon e. Buti tinamad din si jay. Hay buti weekend na kasi super hassle yung week na to. Grabe kinakamote na ko sa biochem kaya mag-aaral na talaga ako dun. Buti nalang birthday ng blockmate ko kahapon kaya yun naging masaya ang pagend ng week. Hehe okay din kasi may free food at beer. Wala lang grabe linggo linggo na ata ako umiinom ngayon pero okay lang, reward nalang siguro yun haha.
Wala lang, naisip ko lang na napakaiyakin ko ngayong week na to haha. Basta yun ayoko na idetalye kung bakit. Basta muntikan ng mawala pero yun nagbago yung mga bagay bagay. Pero yun buti okay na ulit. At yun wala lang, gagawan ko na ng paraan ang mga mali kong ugali. Hehe. Masaya ako ngayon.